Presyo ng subscription mula
Nobyembre 4 hanggang 24, 2024
XX.XX
€ 0.00
Mag-simulate ng
iyong investment
Mag-subscribe
sa SharingThales 2024
ALOK NG SHARINGTHALES 2024
Sa alok na ito, bibili ka ng share ng Thales sa pamamagitan ng FCPE "World Classic Relais 2024".
Ang pondo ay inilayon na isama sa "World Classic" na bahagi ng FCPE "Actionnariat Salarié Thales", kung saan ikaw ay magkakaroon ng share.

Mga pakinabang ng alok
-
20% na diskwento
Makikinabang ka sa 20% na diskwento sa presyo ng share ng Thales na naka-subscribe sa pamamagitan ng FCPE "World Classic Relais 2024". -
Ang 50% ng kontribusyon ay bayad ng Thales hanggang €500, kalkulado depende sa investment mo
Sa taong ito, dadagdagan ng Thales ang personal na kontribusyon mo ng katugma sa 50% ng iyong subscription hanggang €500.
Para lubos na makinabang sa maximum na kontribusyon, kailangan mong mag-invest ng €1,000 sa FCPE "World Classic Relais 2024". -
Mga pasilidad sa pagbabayad na tinukoy sa bawat bansa
Nakadetalye ito sa lokal na karagdagang impormasyon sa page ng "Makatutulong na dokumento". -
Pagre-reinvest ng dibidendo
Ang anumang dibidendo na bayad ng Thales ay ire-reinvest sa "World Classic" na bahagi at magbubunga ng pag-iisyu ng mga bagong share o bahagi ng share.
Mga pakinabang ng PEG
Bilang bahagi ng Plano sa Pagtitipid ng Grupo ng Thales, ang pagmamantini ng account at management fee ng FCPE ay sagot ng Thales1.
1 Ayon sa mga tuntuning ibinigay sa Plano sa Pagtitipid ng Grupo ng Thales